April 24, 2013

Our Guest Speaker, Dr. Jovy Peregrino

Guest speaker namin kanina sa AIT orientation si Dr. Jovy Peregrino. Nag-discuss siya about "Understanding the Self and Others" and "Phiippine Society and Culture".

Sinimulan niya yung discussion by asking from what colleges nanggaling yung mga students. Isa sa mga recurring quotes niya ay;

"Kailangan may alam kayo na hindi alam ng iba sa field niyo. Paano kung may convention, dumating ang mga French, German, Japanese psychologists, anong sasabihin ng mga Filipino psychologists. Dapat pag-aralan niyo yung roots niyo. Kapag puro alam nila yung alam mo, wala kang nai-ambag."

and about sa mga bookish na people:

"... ang tawag sa mga diyan, "Knowledge consumers", "parrots". "

Siya ang best guest speaker na napakinggan ko. Throughout the discussion, magaling siya magpatawa (at hindi mawawala ang green jokes)

"TITE."
"Ay, bastos. Hindi dapat sabihin. Dapat..."
"PENIS"
"Yan, merong class, sosyal"
--------
"SUSO"
"Bastos... hindi ba pwedeng dibdib?"
"Mali. Dahil hindi pareho and suso at dibdib. Ang suso ay nasa dibdib."
------
"DAMN YOU!"
"Ang isasagot mo: 'Damn you too!'"
"PUTANG INA MO!"
"Masakit sa tenga"
"Hindi mo na yan sasagutin. Sasaksakin mo na lang siya"


Lahat iyan example niya nang "kapag sa atin, pangit, hindi maganda pakinggan. Mas maganda yung 'sa kanila' "

------
About sa difference ng western thinking and eastern thinking:
"Kapag ang westerners nagpakilala: I'm [insert name here]. I work [blank]. I like [blank]. Puro na lang 'I'. Puro sarili lang."
"Kapag sa easterners: "I am [blank]. I live in [blank]. My mother is... My father is...Pati pamilya sinasama."

And further discussion na ang westerners ay individualistic ang perspective while ang sa easterners ay 'communal'.
----
About sa definition ng wika:
"Kapag ang grade school tinanong mo ano ang definition ng wika, ang sasabihin niya: salita"
"Kapag high school naman, sasabihin niya; syntax, simuno panaguri"
"Kapag college-level: simbolo, arbitrary"
"Dati nagturo ako sa mga masteral students. Tinanong ko 'ano ang wika?'. May nagtaas ng kamay."
"Sir, bakit niyo pa tinatanong iyan. Alam naman ng lahat ano ang wika. Bakit kailangan niyo pa itanong?"
"O e ano nga ang wika?"
"Sinabi niya yung college definition ng wika"
"MALI! Pang college-level ang definition mo"
HINDI MO MALALAMAN YUNG MASTERAL-LEVEL NA DEFINITION DAHIL HINDI KA PA GRADUATE NG MASTERS!
"Tahimik siya. Tinaasan ko yung boses ko, talagang hindi makakasagot yun."

"Kapag naman Ph.D tinanong mo, ang gagawin niyan titingala, titingin muna, tapos mag-iisip."

"Ang wika... ay ako"

HUH??

----

May pinakitang study si sir. (sorry hindi ko nakuha yung original author ng study).
Nag-survey sila ng mga batang Pilipino from low income families kung ano ang unang naiisip nila kapag may sinabing konsepto.

Kapag sinabing HAYOP, anong unang naiisip ng mga bata?
Top 1: aso
Top 2: pusa
Top 3: tiger

In-explain ni sir na yung top  1 and 2 ay yung mga natutunan niya sa bahay. Yung Top 3 and below ay nakuha niya sa paaralan.

Kapag sinabing TAO, anong unang naiisip ng mga bata?
Top 1: Dr. Jose Rizal
Top 2: Marian Rivera
Top 3: Dingdong Dantes

Ipinapakita nito na mas malakas ang siete (joke!) Kahit ang media may impluwensiya sa pag-iisip ng bata. Yung top 1 nakuha niya sa paaralan while yung 2 and 3 ay sa bahay.

Kapag sinabing DAMIT, anong unang naiisip ng mga bata?
Top 1: Sando
Top 2: Shorts
Top 3: Skirt / Pantalon

Muli, sa bahay then sa paaralan.

GINAGAWA:
Top 1: Laro
Top 2: Hugasan ang pinggan
Top 3: (nakalimutan ko na)

LARO:
Top 1: Taguan
Top 2: Habulan taya
Top 3: Piko

PAMBANSANG SAGISAG
Top 1: Watawat
Top 2: Pambansang Awit / Dr. Jose Rizal
Top 3: Manga

----
"MAJOR MAJOR"

"Pinagtatawanan natin ito. Akala natin mali. Ang ginawa niya kasi, tinaranslate niya yung Filipino expression na "talagang talaga""

"Sa ibang bansa: 'You WEAR perfume'. Sa atin: 'You USE perfume'. Sa kanila kasi, kapag ginamit sa katawan, 'you wear it'. Pero sa atin, hindi naman natin sinusuot ang pabango ha?"

"Pinagtatawanan natin kapag bisaya ang nag-english. Hindi mali ang english natin. Katulad lang yan ng British english at American english: dialect siya ng english."

-----
"Kung hubad ka, at pwede ka lang magtakip ng isang parte ng katawan mo, anong tatakpan mo, mukha mo o ang ari mo?"
Pinatayo ang vote sa magtatakip ng mukha at yung mga nakaupo yung vote sa magtakip ng ari.
95% ang tumayo. Nag-explain na; anonymity at walang hiya.
Yung mga nakaupo ang explanation: impulse natin na magtakip ng ari.

Ipinapakita lang na ang mukha ng tao ay sumasalamin sa kabuuang pagkatao ayon sa paniniwala ng mga Filipino.