Katuwang ng BFP-Marikina ang Marikina Filipino-Chinese Fire Volunteers sa pagresponde sa mga sunog. |
Pinaghahandaan na ng Marikina City Fire Station ang mga hakbang upang maiwasan ang insidente ng sunog sa darating na kapaskuhan at bagong taon.
Ayon kay SFO2 Stephanie Tabangcura ng Bureau of Fire Protection Marikina, taon-taon nilang ginagawa ang “Oplan Paalaala” kung saan sila ay nag-iikot at nagmimigay ng mga fliers sa mga residente upang malaman ang gagawin kapag may sunog at mga hakbang upang maiwasan ito. Ang programa ay ginagawa simula ika-20 ng Disyembre hanggang sa ika-1 ng Enero ng susunod na taon.
Ipinahayag din ni Chief Inspector Edwin Vargas ang mga plano ng ahensiya upang mabawasan ang insidente ng mga sunog sa mga susunod na taon. Ilan sa mga ito ay ang mga fire safety inspections sa mga gusali at trainings, seminars, at drills sa mga paaralan at malls. Nakakalat rin sa buong lungsod ang limang fire substations upang mag-ikot at abisuhan ang mga residente.
Sa kabila ng kanilang paghahanda, kakaunti lamang ang insidente ng sunog sa buong taon. Kapansin-pansin na may kaunting pagtaas sa mga insidente sa buwan ng Marso na itinalagang “Fire Prevention month”.
“Dito sa Marikina, wala kang nababalitaan sa TV na malaki [na sunog] kasi in any location sa Marikina dapat within 5 minutes naka-responde na kami,” sabi ni Vargas.
May naitala nang halos 100 na kaso ng sunog sa lungsod ng Marikina simula nang taong 2015.
Naghahanda rin ang lokal na pamahalaan ng ilang direktiba upang maging mas ligtas ang pagsalubong sa bagong taon. Isa sa kanilang mga plano ay ang pag-isyu ng special permits upang makapagbenta ng paputok at paglimita kung saan at kailan lang ito pwede ibenta.
Mga paghihigpit at kakulangan
Kasunod ng insidente ng malaking sunog sa Valenzuela na kumitil ng lagpas 70 na tao, naghigpit ang Marikina sa mga patakaran nito sa mga gusali. Ngunit aniya ay may ilang establisyimento na ayaw sumunod sa mga bagong patakaran.“Yung iba dito ayaw magpapasok kasi wala yung may-ari. Yung iba naman na-inspect, nabigyan nang fire safety requirements, pero ayaw mag-comply kasi sabi nila ‘ang tagal na naming dito, wala naman nagrerequire sa amin’,” sabi ni Vargas.
Inaayos ng ilang tauhan ng BFP-Marikina ang lumang firetruck na ito upang mapakinabangan muli |
“Although functional naman siya pero hindi ganoon kaganda kasi may pagkakataon kung minsan papunta doon sa fire scene, tumitirik siya,” sabi ni Vargas.
Umaasa si Vargas na sa darating na mga taon ay mapunan na ang mga kakulangan nila sa gamit. ###
Ipinamimigay din ng lokal na pamahalaan ang mga brochures na ito upang makapaghanda ang mga residente sa mga kalamidad tulad ng baha at lindol. |