na natutunan ko sa Araling Panlipunan 12 (at pati na rin Music Literature 13) ng UP Diliman:
Bakit nga ba walang relo ang mga mall? Bakit (madalas sa mga lumang mall) walang bintana?
Para daw hindi mo mapansin na lumipas ang oras. Para hindi mo maisip na "Uy, hapon na pala. Uuwi na ako."
Bakit magkaharap ang upuan ng jeep at LRT?
Dahil ang mga Pilipino ay communal at mahilig makipag-usap, natural lang na magkaharap ang mga magkaupo para madali silang makipag-usap.
Eh bakit tulog yung mga nakaupo sa LRT o yung ilang tao sa jeep?
Kapag tulog ka sa jeep, hindi mo na obligasyon na mag-abot ng pamasahe ng iba. Kapag tulog ka sa LRT, meron kang excuse para hindi magpa-upo ng ibang tao. At saka, dahil ang nakikita mo lang kapag nakaupo ka sa LRT ay ang mga puwit at pang-ibaba ng mga taong nakatayo, mas mabuting matulog ka na lang.
"Filipino is not the language of the learned." Totoo ba iyan?
Tignan mo ang science o math subject mo. Filipino ba ang wikang panturo? Tignan mo yung mga professionals. Filipino pa rin ba ang ginagamit nila sa trabaho?
Mali ba ang "Filipino Time"? Ano ang sinasabi nito para sa ating mga Filipino?
Una, walang tama o mali pagdating sa kultura. Kung sa palagay mo mali ang tradition ng mga Eskimo, para sa kanila normal lang iyon.
Ang Filipino Time ay galing pa sa mga ninuno natin. Dahil wala pang orasan, sa kapaligiran sila tumitingin upang malaman ang oras. Gigising na kapag sumikat ang araw, tanghalian at siesta kapag tirik ang araw, at tulog na kapag gabi.
Isa rin sa ugat ng Filipino Time ang pagiging mapagmalasakit sa kapwa. Tignan ang halimbawang scenario:
[magsisimula ang meeting ng 10 AM. 10:07 AM na ngunit wala pa rin si Juan]
Pedro: Saan na si Juan? Sisimulan na ba natin ang pulong?
Sebastian: Teka, hintayin muna natin si Juan. Malapit na yun.