In-depth
First Impression
Very bright ang personality ni sir. Magaling din ang sense of humor. Sa first day, pina-introduce namin yung mga sarili namin pero hindi yung boring na magsasalita sa harap. Ginawa niya ay pinagsulat kami ng tanong sa 1/4 paper. Tatawag siya ng estudyante (starting sa likod) tapos bubunot ng tanong na ginawa ng buong klase. Kailangan yun sagutin ng estudyante. Awesome kasi kailangan wacky yung tanong mo at dapat wacky din yung sagot mo.Yung question na pinasa ko ay: "Bakit hindi binubuksan ang aircon ng room na ito? Kailangan bang itaas ang tuition dahil dito?" LOL.
Time Management
Though, nale-late si sir ng ilang minutes. Natatapos niya naman on-time yung discussion. Meron pa siyang schedule kung saan naka-detail ang gagawin sa araw na iyon. Na-revise nang onti yung schedule dahil sa class suspensions.Student Attendance
Magpapasa kayo ng index card sa first day of class then yung ang gagamitin niya pang-check ng attendance.Recitation
Maraming chance para sumagot sa mga tanong ni sir. Isa sa madalas gawin sa klase ay ang group activities tulad na pagsasadula ng epiko, quiz bee, at iba pa. Super fun mag-memorize ng map ng Philippines sa klase na ito. Kami yung grupong nanalo eh!Quizzes and Exams
Merong quizzes mostly about sa readings and discussion. Kung nakikinig ka naman at nagbabasa, kaya mong sagutan iyan.Walang written final exam. Instead, i-aassign kayo sa isa sa tatlong main island groups of the Philippines at kailangan i-present niyo iyon in a entertaining way. Merong nag-fashion show, variety show, at DORA THE EXPLORER show! Oh and kailangan merong pagkain, merong decoration ang room, at merong palaro na relevant sa island group na iyon. Yes, ang hirap mag-prepare.
Isa rin pala sa final requirements ay paggawa ng DOCUMENTARY tungkol sa isang social issue.
Fun Factor
Merong film showings. Sasabihin naman ni sir kung gagawan niyo iyon ng reaction paper. Kakainis kasi gumawa ako ng reaction paper kahit hindi pala kailangan. May ipapasa rin na reaction paper bilang final requirementSinabi rin pala sa first day of class na WALANG FIELD TRIP this semester. Of course, marami ang nag-enroll sa subject na ito dahil sa FIELD TRIP so na-disappoint sila.
Summary:
Pros:
* Fun magturo si sir* Puwedeng i-relate ang discussion to daily Filipino lives
* Fun mag-participate sa mga group activities
Cons:
* Reaction paper, quiz, memorize ng mapa, pagsasadula ng epiko, final presentation, documentary... napaka-demanding na course na ito!Rating:
9/10 - Kahit wala nang field trip, worth it pa rin kunin ito! Laugh trip ang discussion at masayang maki-socialize para sa mga group activities.Related Posts:
My UPD GE Subject Experience: World Music Literature (MuL 13) with Mr. Valenciano
And more UP Diliman GE Subject reviews here!