April 27, 2012

My UPD GE Subject Experience: Philosophy (Philo 1) with Mr. Soberano

Interested ako sa philosophy so I enlisted for Philo 1. Pangit nga lang yung timeslot na nakuha ko pero okay lang, at least pwede ko gawin yung math homework ko.

In-Depth:

First Impression

Pumasok ako sa classroom. May mga vandalism sa armchairs na drawing ng isang matandang lalaki na may words na "I am love". And then, pumasok na si sir. SIYA YUN!
Anyway, medyo raspy and deep yung boses ni sir kaya minsan hindi mo maintindihan yung sinasabi niya and madalang lang siya gumamit ng board. Lahat ng information, sinasabi niya lang. Ang dapat mong gawin ay makinig.

Time Management

Late start ang classes. Pero madalas overtime mag-dismiss (up to 20 minutes!).

Student Attendance

Magche-check si sir ng attendance at the start of the meeting.

Recitation

Let me say: prefer ni sir ang mga babae. Kapag magra-random pick siya ng mag-rerecite, asahan mo lahat ng tatawagin ay babae.

Quizzes and Exam

Dahil philosophy subject ito, expect mo na tricky ang pagka-wording sa mga questions.

Fun Factor

By the end of the course, at absent si sir sa final exam (nangyari sa amin), pagtatawanan niyo ang mannerisms ni sir. Epic.

Summary:

Pros:

* you can do your math homework (wait what?)

Cons:

* looooooong discussion
* has one of the trickiest quizzes

Notes:
* If you're a guy, safe ka from recitation (can be a good thing or a bad thing)
* If you're a girl, good luck dahil kayo ang laging tatawagin sa recitation

Rating:

8/10 - average subject. At least pwede magmulti-task habang nasa discussion.


Related Posts:
My UPD GE Subject Experience: Geography (Geog 1) with Mr. Juanico
My UPD GE Subject Experience: Social Science II (Soc Sci II) with Mr. Go
My UPD GE Subject Experience: English 1 (Eng 1) with Ms. Kwe
My UPD GE Subject Experience: Philippine Games (PE2 PG) with Mr. Ramos
And More UP Diliman GE Reviews here.